our life.. we rule..

bleed like the rain, laugh like crazy... doesn't make any sense to you... cos only we know pain and happiness better than you do.. amf..

Friday, March 30, 2007

Ok Lang Ba?

"ok lang ba?"

ngayon ko lang nawari
ngayon ko lang nalaman
mga nararamdaman kahit kunwari
mga emosyon na nagmamanman

bakit nga ba ako pa?
bakit ako pa ang nakaramdam nito?
para akong tangang baliw..saan ka pa?
hindi ko alam kung bakit parang wala na itong hinto

pigil na pigil ang saloobin
kandado sa luob ng damdamin
ikaw kaya ang magkikimkim?
susi nito para malaman mong ikaw ang aking minimithiin

pahirapan ika nga ang ganito
ako ang gagong nagtatago lang dito
para na akong patay patayan..
sa tuwing ikay aking mapapadaan..

paano ko nga ba matitigil ang pagkukubli?
paano ko nga ba sayo mababatid ang mga salitang ayaw magpahuli?
mailabas sana ng tuluyan sa iyo
ang malalim kong damdamin para sayo

hindi ko alam at hindi malaman
ang nasasaluobin ng puso mo
kung ikaw din ay ganito
sana malaman ko batid ng iyong puso...

bahala na kung anong kakahinatnan
nitong damdamin kong humihingi ng konting pagmamahal
sa taong tulad mong kinakagustuhan
dadaanin ko na lang sa maigihang dasalan

nararamdaman ko na talaga ito at di na mapigilan
mga pagasa kong mapasayo at mapaskin ka
sana mapansin mo ang aking munting daing
minamahal kong *****


-teyn

No comments: