our life.. we rule..

bleed like the rain, laugh like crazy... doesn't make any sense to you... cos only we know pain and happiness better than you do.. amf..

Saturday, March 31, 2007

PUYAT NA NAMAN

Hay.. . puyat na naman ako..
4: 30am na nang mapagkasunduan na naming matulog..(napagkasunduan e hoh!)
Nalaman na naman ni mama na puyat ako.. gamit ang kanyang 6th sense..weeeee, di talga sumasablay yang instinct na yan… parang CSI lang e..
Pero hindi ko maintindihan kung bakit, napagalitan na ako’t lahat, masaya parin ako pag nagpupuyat. Yun yun eh, masaya ako pag nagpupuyat.


Bakit ako napupuyat?
Ang magandang sagot diyan e..
Baliktad ang araw ko… normally naman kase ang tulog ng tao ay 6-8 hours diba? Actually yung ginagwa ko, di naman yun pagpupuyat… nocturnal lang talaga ata ako.. kase kahit gising ako sa magdamag, tulog naman ako sa araw.. ganun din diba? Malas ko lang kung may activity sa araw.. kailangan kong magpretend na energetic ako para di ako mapagalitan...ganun din, pag di ako nakatulog sa araw.. puyat din pala yun…

Isa pang reason why I stay up late << English to ah..
Is because.. ummm ahhh ehhh… << naubos na English
Dahil sa conference ng mga taga MO sa YM…
Ano ang MO? MAPUAOWNAGE..
Ano ang YM? YAHOO MESSENGER..
Gets na?
Dahil sa mga conference na yan, nakausap ko siya..
Nakausap? Baka nakachat!
Yun... kahit sino naman na tagaMO kinakausap ko e, siguro dahil tiwala ako na Mapuan, lam mo na man ang Mapuans.. mababait…amf
So yun, nag-usap kami… este.. nagchat kami..
Kwento siya ng lablayp niya.. nagbabasa lang ako..
Naisip ko habang nagkukwento siya..
Hindi kaya ito ang fiancée ko ngayon?
Bat pareho sila? Weeeeeeee
What a coincidence, pati kwento kapareho nung akin..
Kaugali ko ata yung karelasyon niya.. at kaugali niya yung akin..
Pati mga pangyayari, pareho… parang scripted!
So yun, tuloy sa sa pagkwento..
Dahil sa naiintindihan ko ang sitwasyon… marami akong naiadvice.. yun yun e!
Tapos, tapos, tapos…
Kwento pa siya.. di ako natulog nun e.. naalala ko…
Tapos kinabukasan, masaya na siya…
Sabi ko.. “ oh, kamusta ang lagay ng puso mo?” << tanong ni boy abunda..
“ handa ka na bang umibig at ibigin? “ << isa pang tanong ni boy abunda.
Well, umoo naman siya..
Kaya tuloy ang buhay…
Sa di maipaliwanang na kadahilanan (alien kase ako)
Nagawa kong magsabi ng kasalukuyang problema ko sa relationship ko..
At yun, sinabi ko… yun lang.. weeee
Habang tumatagal ang usapan, nagiging close kami… parang pinto << corny!
Sabi ko sa sarili ko, baka naman dala lang to ng technology..
Iba kase sa chat, ikaw ang pumipili ng emotions ng kausap mo…

Example…

Galit ako sayo

Pwede namang, pagalit ang papakasalita niyan o kaya e palambing..
Kaya maraming namimisinterpret
Yan tuloy.. hay…

Tapos yun, di ko alam anong meron sa gabing yun.. este madaling araw na yun…
Dami kong nakita na “ iloveyou “ sa conference… marami daw inlove…
Natangay ata ako… nakiinlove narin yung heart ko <<< wushou! ^_^
Yun tuloy…
Saka ko lang napansin ang mga maaaring maging mali sa lahat ng ito…
Kailangan ko munang ayusin ang lahat.. pati sarili ko…
Hay.. gayunpaman, masaya talga ako…
Natatakot lang ako, baka kase.. kung gaano kabilis na naging close kami, ganun din kabilis itong mawawala..
Pero ayoko mag-isip… masaya ako pag nanjan siya … masaya ako…<< pang teleserye!
Kaya ako nagpupuyat!
I never thought na masaya ang magpuyat!!!


-payb-

No comments: